Wednesday, March 25, 2009

MY "UMBRELLA"

akala ko uulan kahapon. . Masyadong makulimlim, wala naman daw bagyo. ., PAG-ASA confirmed, cause lang yun ng cold front, sa bandang hapon lalabas din daw ang araw,. .confused, ni isang sinag walang lumitaw, madilim pa rin ang kalangitan sa hapon. . nawalan tuloy ako ng PAG-ASA,..!!

ok, walang problema saken, i'm always ready with my payong. . Hmmmnn. ..payong huh.? .!(parang dun sa ADVIL adverts).... Actually di ko nman talaga payong yun, mas matibay yung payong ko mas makapal mas accessible,wag ng sabihing hindi yun bili sa bangketa lang, madaling nasira kc ung una kong binili galing bangketa..
hiniram lang ni acheng ryan ayun, half naked na. . papalitan naman pero un lang din hindi folded,kasya ang buong pamilya sa payong niya, kaya sabi ko bibili na lang ng bago,at titiyakin kong hindi ko na yun ipapahiram pa sa malalanding mga kamay niya! Harhar. ., agrepina de soledad, donde esta lukrecia ! Kinabog ako sa pagiging dalagang filifina niya. .. ^_^
back to where we belong. ..

Ayun. . .yung payong na napunta saken, ewan, madaming kaartehan bago mabuksan,kelangan pa ng teknik,. at kasing nipis lang ata ng plastic bag ... Ung totoong payong ko na iniingat ingatan ko pagkabili ayun, tinangay ng dating boarders, at ang ipinalit, 'yong payong niyang ngayon ako na ang nagtiyatiyaga. ..hopeless me. . yun ang mahirap kung di lang ikaw ang tao sa bahay, lahat ng bagay na naiiwan mo sa labas pwedeng gamitin ng iba mong kasama. . .ok lang naman saken yun, kahit ano pwede silang makigamit basta me sulian o paalaman. .. Ang malungkot e napagkamalan yung payong ko na kanila, sana nga. . .obvious n obvious naman kasi ang laki ng diperensya ng payong ko sa kanya. .maroon po ung saken hindi black.,isinasabit ko po ng maayos para matuyo hindi ko po hinahagis na lang para maging payong ng mga aso. . ^_^ sorry,. . .

ano nga uli yun? . .
ah yun. .. "kalurkei" is the word. . galing kay pulis pangkalawakan ^_^... .
kaya eto ako ngayon sa payong na di ako mismo bumili. .. Wala akong choice, ayoko bumili ng bago. . Umaasa pa rin ako na maibabalik saken ang original payong ko. .,
at hanggang ngayon dissappointed na wala pa rin ang payong na inaasam asam ko, . .what a word ~_^ inaasam asam!!. .,


maingat ako sa gamit, hindi ako sanay sa palitan. .hangga't pwede pa, gumagana,buo pa,pwede pang gawan ng paraan..hindi ko mabibitawan. . .ganun din kaya ako sa mga kaibigan o kakilala? ..ahmm,wag na sa bf, sigurado pabaya ako, hindi ako ang ideal girl mo ~_^. ..maingat din kaya ako sa kanila?. ..pag sinabi kong ikaw lang, ikaw lang. .. ?pag sinabi kong ikaw ang bestfren ko doon,siguradong meron din akong bestfren sa harap ko ngayon, wag ka mag-alala hindi kita ipagpapalit sa kanya, ganon din na hindi ko siya ipagpapalit sayo..,dahil ang gusto ko magkakilala't magkalapit din kayo... Again,hindi yun advisable when it comes sa gf/bf relationship.. Iba yun! IBA ! ...
open lahat magcomment... =)
malay mo, marealize ko pabaya na pala ako sa inyo +. . .

Sa payong na hawak ko, madaming aberya. .,madaling sumemplang at bumaliktad pag mahangin ,tsaka me konting butas na ata, tumutulo. ..hindi siya ganun kaevident dahil plain black at hindi floral o abstract o colored na tulad ng iba, walang tatak na Avon, penshoppe, Natasha man,GB, o kahit SM man lang sana sa pinaka holder niya. .
Pero never pa nman ako nagkaroon ng mas malalang pagkabasa pag gamit ko to. .,thankful, mas magaan pa nga e, mas madaling isara at ayusin pag sasakay ng jeep...,hindi siya nagwiwisik ng excess rain di katulad ng iba, halos lahat ng pasahero sa jeep nababasbasan ng unholly rain mula sa payong na dala nila. .

alam ko binili lang yun ng singkwenta. .pero kahit papano hindi siya madaling mag-give up saken, totoo..!. .,minsan nga nasasabi ko na rin na madaliin niya na ang masira para bili na ako ng bago, ayun. ., hanggang ngayon nga kahit papano mukha pa rin bago. ., minsan hinahagis-hagis ko lang din sa sofa, sa kama, sa mesa pag di ko
ginagamit, sa totoo lang wala akong pakialam kung masira na sa pagkakahagis ko, hindi naman talaga siya ung payong ko e, hindi naman siya saken,. . . pero ayun pa rin, buong buo.. .naghihintay na magamit ulet. . At Hindi pa rin nagpapatalo.!..,abah,! me gustong patunayan ang payong na to saken ah. . !consistent!

Minsan din. . Ah hinde. . Madalas pala nun. ..iniiwan ko na lang sa baba,bahala na ung mga aso magpatuyo,o kaya hinahayaan ko nang pag-aralan ng mga aso ang skeletal system nito.., sige lang! Hah ! Bibili na ako ng bago,magccelebrate pa ko! . ..
Alam ko kung gano katalino ang mga aso sa amin, ang hindi ko lang alam, me taste pala ang mga aso sa mga bagay na pwedeng laruin at hindi dapat seryusuhin. .. Ang nilalaro lang pala nila e yung mga valuable sa mga boarders,ung pinapansin talaga sila pag me nilalaro sila,kahit kasama na dun ang iba't ibang klaseng mura, mas pabor sa kanila yun..hindi sila pabor sa mga unwanted lang.. .hindi isang
katuwaan sa kanila na laruin ung payong ng "lets torn it into pieces" kung hindi rin naman sisitahin ng may-ari. ., habang pinagdidiinan mo "lalong" ayaw ng aso...
yun pala yun. ..
Natuto ako . .!



maingat ako s bagay, ayoko ng papalit-palit, kung ano yung unang naibigay saken yun ang iingatan ko. .. never pa ako nkawala ng mga mahahalagang bagay. . Ang pinakamalala lang siguro e yung payong ko na yun . .

masyado akong nagtiwala, masyado akong naging komportable sa pag-iisip na hindi ko siya mawawala . , bagay lang yan na pwedeng pwede mo nman palitan kahit anong oras mo gugustuhin. .. Payong "lang " yan. . .

" JUST " . ., nothing is more important about it. ., at dahil sa "just" na yan kaya madaming nalalaglag sa 2nd list of the 7 blunders of the world "Pleasure without conscience" . . . Tama ba? . . . Pleasurable para saten gamitin ang mga bagay na yan, pero wala tayong pagpapahalaga na ingatan sila. .. Madaming sangay, sa gf "lang", sa bf "lang", sa asawa "lang",sa kaibigan "lang". .sa damit "lang" yan, sa papel "lang" yan. sa 3210 "lang". Sa barya
"lang" yan,...sa farmer lang,sa driver lang, sa janitor lang at sa iba pang below the passing rate of one's highly inclined preference. . .

Payong lang yun, pero masama pa rin ang loob ko sa pagkakawala nito,nalulungkot pa rin ako. .na sa ibang ordinaryong kadalagahan eh shopping lang pala ang katapat ! . .,


habang gamit ko ang payong tas biglang sumemplang sa lakas ng hangin at over all audience ang lahat ng nakakasalubong ko,at tawanan ang mga kasama ko. Pwede ko sabihin na iyon ang kamalasan ng pagkakapalit ng payong ko mula kay miss ganda...and smile atleast me irarason ako . .e dun sa payong ko kaya?, pag me nakapuna tas sasabihin mismo kay miss ganda na kasing ganda niya ang payong ko, matatanggap niya kaya ng buong buo sa loob niya? Knowing na hindi nman tlaga sa kanya ? . . Makonsensiya siya ! Harhar. . Hindi fullfilled ung saya niya. . . . .


ngayon isa na siya sa mga bagay na minsan hindi pwedeng hindi ko dala pag lumalabas ako, me sarili na siyang lugar sa room ko,hindi pwedeng hinahagis hagis na lang. . . sa ganoong klase at uri ng pagkakagawa niya mas kelangan pala na ingatan ko siya para di madaling masira. .para di madaling mabutas... nagtatagal pala ang bagay sa paraan ng maayos na paggamit dito, hindi porket mababang klase ng payong LANG ang naipalit sa MAS na payong ko dati hindi ko na ito iingatan. . Marahil nga hindi ito yung ginusto kong bilhin nung una. ., pero ngayon, ito na yung mas ggustuhin kong angkinin kahit bumalik pa ung orihinal na nauna. ..,



The evident is clear. .. Just is just a word that you can transform it into an indelible mark of importance. ..
Mostly ang maliliit na bagay na ginagawa at ginagamit natin,yun ang totoong nagpapasaya sa ibang tao at bumubuo maging sa ating pagkatao .. . ...parang ganito, sa picture ni marky cielo sa isang magazine ko : sa iba, pic lang ni marky yan, mga issue's about his death, na sa ibang tao madaling kalimutan, .. pero sa puso ko alam ko na siya ang nagpapasaya at nagiging inspirasyon sa bawat araw ko. .. anong konek ? wala lang, malaking bagay ang naibahagi niya sa aken . MAS natutunan kong pahalagahan ang buhay na ipinahiram saken :)

At sa payong "KO" ? siguro nga hindi siya naging ganun kaespesyal kung hindi siya napunta saken. .. at sana ganun din ang dating payong ko sa nagmamay-ari na ngayon sa kanya. ..

Naniniwala ako, me dakilang dahilan kung ba't napunta ang payong na yun saken. MAY KAILANGAN ULI AKONG "MATUTUNAN"

No comments:

Post a Comment